August 27th, 2008

Hairstyle

Listening to: Valle Ocultado - DJ Cor Finjeman
Feeling: unrequited love. mood ba yun?

Babala: Basta Babala! Aangal ka pa e!

Nasa huli daw ang pagsisisi. Pero ako hindi dahil nagsisi na ako bago ako magpagupit. Oo, nagpagupit na ako ng buhok pagkatapos ng halos isa't kalahating taon. Nagsisi na ako bago ako magpagupit dahil alam kong hindi ko makukuha ang talagang gusto kong gupit, siguro mahirap gawin at di nila alam yung itsura. Sayang haba pa naman ng hair ko. Pero ok lang yan, hahaba ulit 'to. Sobrang ikli na talaga. Siyet! Haha!

At bukas kailangan kong maghanda sa mga sasabihin nila sa'kin..

"Chins, mukha kang tibo." Oo na, alam ko, sanay na ako dyan. Ang ganda ko kasi e. Pastilan. Sana naging babae nalang ako para di na ako nagpagupit. Mas bagay kasi talaga sa akin ang long hair, mukha nga lang talaga akong babae, napagkakamalan pa. Ang ganda ko siyet! Dami nga naiinlab sa akin e. Hahaha! Headturner ako tol. Pero hindi, lalake ako. At hindi habangbuhay bata ako. Tinutubuan na nga ako ng bigote e, tapos laki laki na ng tiyan ko. Di na bagay sa akin. Buti sana kung dalaga ako.. sori binata ako. Hahaha! Ilang beses na rin ako napagkamalang gel dahil sa buhok kong mas mahaba pa sa buhok mo. Hehe. Nakakainis pero parang ang saya din, kasi napatunayan ko na na ang ganda ko pala talaga pag naging babae ako. Hahahaha! Ops, mali ang iniisip mo. Maling mali. I ain't gay. No way. Neber!! Dili ako bayot uy! Mamatay nalang ako kesa maging ganun. Ngayon alam ko na kung bakit nagpaparetoke at kung anu ano pa ang pinaggagagawa ng mga babae at homo sa mga katawan nila. Iba ang pakiramdam kapag maganda ka. Pero hindi naman lahat ganun. May advantage at disadvantage din yun no. Alamin nyo na yun, kung hindi alamin nyo nalang, katamad itype e. Hehe!

Dami kong sinabing walang koneksyon sa buhok e no? Astig.

Buhok ko noon in-order...Bunot, Hati 2x3, One-side, Hati 2x3 ulit. Tapos nung 2005 hanggang 2006, Long hair layered hairstyle ang ganda ng lola mo. Hahaha! Tapos Maikling buhok March 2007. Humaba at nagpalayer ako nung July 2008. At kani kanina lang maikli nanaman.

E ano ba talaga ang gusto kong hairstyle? Yung anime! Simpleng anime na mahaba ang patilya at maikling bangs. Tipong japanese/korean hairstyle na babagay sa akin.

Gusto nyo ba makita pic ng long hair ko? Wag na baka makakita kayo ng monster. Upload ko nalang pag may oras ako bukas.




....written by chinochocobo....11:37 PM....[ Add a petal ]....


July 23rd, 2008

Musika

Listening to: Cosmic Ascencion by Astral Projection
Feeling: hnnn... kyou mo kawaii.

Mahilig ka ba makinig ng musika? Rock, Pop, RnB, HipHop, Classical, Techno, Trance? Kung anu man yan, wala akong pakialam sa genre na gusto mo. may kanya kanya naman tayong gusto e.

Ako, Hilig ko ang.. JRock, JPop, Classical, Techno, Trance, Bossanova.. at ano pa ba? Meron pang iba, madami e. Yung mga natira naman, RnB at Hiphop di ko na type. Wala lang. Ganun talaga.

Kay sarap makinig. Siguro hindi ako mabubuhay kung walang soundtrip.. di naman sobra na yung ganun. Boring lang kasi kapag wala akong napapakinggan. Pag uwi ko sa bahay galing sa labas, yun kasi madalas ang ginagawa ko. Makinig agad. imeem agad. Kahit wala nga sigurong telebisyon dito basta may radyo pwede na, basta yung gusto kong pakinggan ang naririnig ko.

Pero hindi e. Mas masaya pa rin kung natutugtog mo yung mga paborito mo. Tuwing pumapalo sa utak ko na 'gusto kong tugtugin 'to', kuha ang gitara tapos tugtog/praktis. Kahit di ko matugtog ng maayos.. medyo sablay, ok lang e.. masaya kasi natutugtog ko kahit papano. Kasi nga... Kapag nageenjoy ka sa ginagawa mo mas masaya. Kakaiba yung feeling. Ang sarap tumugtog. Piano, Violin, Gitara at noon Flute. Yun ang mga gusto kong matutunan. Sa awa naman ng Diyos, natuto akong mag gitara. Salamat at pinahiram niya ako ng '5k!77zz!' Oh leetspeak! Hehe.

Saya saya! Gusto ko pang matuto. Siyet.

Nakakarelax ang makinig sa music. Pero, mas masaya kung kaya mong tugtugin. Sarap ng piling. Da beyst!


Napansin ko, napapadalas ang update ko dito. Di tulad noon.. Payat. Haha. At napansin ko rin, trying hard ako mag-tagalog. Dudugo na ilong ko. Ok lang yun. 'See, I learned.'

Susunod na entry.. Wika... tapos... Hairstyle? Iisip pa ako ng sasabihin.

Ayun, dito nalang muna. Ang cute ko siyet. Joke lang. Babush! *poof*



....written by chinochocobo....12:16 AM....6 Petal (s)....

« Newer | »
...HOME ...PROFILE ...GALLERY
...FRIENDS ...FRIENDS OF
...FAVORITES ...CONTENT
...ARCHIVES ...LINKS

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages


Credits

Images: Anime Galleries.Net, DeviantArt, Google
Brushes: x, x
Layout: Jawn
Distribution: up4grabs